Huwebes, Enero 12, 2017

Akdang Pampanitikan ng Aprika at Persia





 Noong ako ay dumako sa Africa, nalaman ko na ang Africa ay pangalawa sa pinakamalaking kontinente sa buong mundo at pangalawa rin sa dami ng populasyon sumunod sa Asya. Kahit na ganoon ang kulay ng mga Aprikano doon, magalang sila at mabait ay may angking talino na ipinagmamalaki. Mayroong 54 na kinikilalang mga estado o bansa sa Aprika, siyam na teritoryo at dalawang de facto o mga estadong may limitado o walang rekognisyon sa kontinenteng ito. Ang Aprika ay tahanan ng iba’t ibang etnisidad, kultura, at wika. Sa kanilang pahayag, sila ay namumuhay ng simple at nagkakaisa upang umunlad ang kanilang interaksyon sa isa't isa.

 
Sang-ayon ako sa kanila sapagkat sila ay simple at kuntento sa kanilang buhay.
 Masasalamin rin ang kagandahan ng kanilang bansang nag-uumapaw sa mga likas na yaman at mga hayop na naninirahan dito. Hindi lang iyon ang kanilang likas na yaman sapagkat may dignidad at moralidad din sila. Sa kabilang banda mas kilala ang Aprika bilang bansang inapi ng mga mananakop at sapilitang ginawang alipin at ipinagbili bilang alipin. Sapagkat sila'y itim, hinding-hindi rin sila nakalusot sa rasismo at diskriminasyon na siya ring naging dahilan ng mababang pagtingin sa kanila at pagyurak sa dignidad at karapatang pantao ng mg aprikano. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nakapag-aral ang mga aprikano. Nakita ko ang kanilang pagkalungkot pero hindi sila nagpatinag. Sa kanilang pahayag, ipinagmalaki nila ang pagiging Aprikano. Tama  at humanga ako sa kanilang ginawa dahil dapat ipaglaban ang sariling lahi at ang pagkatao ng isang tao.

Image result for kultura ng aprika

Sa kabila nito, nakaa-aliw at nakali-libang ang panitikan ng Africa. Ito'y binubuo ng iba't-ibang genre, pasalita man o pasulat na gamit. Napapabilang sa kanilang oral literature ang kuwento, dula, bugtong, kasaysayan, mito, awit, at salawikain na nagtuturo at nakalilibang sa mga bata. Taliwas sa nakasanayan natin, ang nagsasalaysay ay  gumagamit ng call-response technique sa nga tagapakinig. Ang griot (praise singer) ay nagsasalaysay naman kasabay ng saliw ng musika. Sa tingin ko nakakaantig sa pakiramdam ang musika ng aprika dahil sa bawat musika na ipinapatugtog nila ay sinasabayan naman nila ito ng sayaw.

Image result for sahara desert

Sa larangan naman ng tanawin, isa sa mga pinakasikat na lugar sa Aprika ay ang Sahara Desert. Bagaman isang tigan na pook, mahalagang tulay ito sa Mediterranean at sa bahaging Timog Africa. Tinatawid ng mga tao ang kalawakan ng disyerto gamit ang mga camel. Ayon sa mga tao na tumtungo sa disyerto ay kahit na matindi ang init doon ay may pantawid naman sila ng uhaw at gutom. Hindi ko akalain na ganito katatag ang mga Aprikano doon at ganito sila katapang sa disyerto.

Image result for mga tao sa persia


 Ang Persia o mas kilala na bilang Iran sa kasalukuyan ay isa sa may pinakamatandang panitikan sa daigdig. Ang panitikan ng Persia ay sumasalamin sa isang maluwalhating kultura at sibilisasyon, pinalamutian ng mga hiyas ng karunungan, sining at imahinasyon ng mga persyano sa paglipas ng maraming siglo. Ito ay isa sa mga pinakalumang literatura sa buong mundo. Maliban sa mainit at maumidong mga baybaying lupain ng Gulpo ng Persia, ang lupain ay pangunahin nang binubuo ng timugang bahagi ng baku-bakong Kabundukan ng Zagros, na may pagi-pagitang mahahaba at matatabang libis na may magubat na mga dalisdis.

Image result for tao sa persia

Magigiting na mandirigma ang mga Persiano at matatalino ring mga pinuno. Walang takda ang kanilang kapangyarihan. Taliwas sa ibang hari, lalo na mga Assyrian, makatarungan at tapat sa pakikitungo sa mga tao ang mga haring Persiano. Makatarungan ang mga batas nito tungkol sa pagbubuwis. Naging bantog ang kabutihan ni Cyrus dahil sa kanyang prinsipyo na dapat maging pantay sa lahat ng tao ang batas.


Ang mga akda ng Africa at Iran ay nagdala ng kakaibang pagbabago sa  mundo ng panitikan. Isa sa mga naiambag ng dalawang bansa ay ang kanilang mga mahuhusay at malikhaing manunulat na nagpapakilala sa kanilang paniniwalang Sufism kung saan ang isang indibidwal ay napapaunlad sa pamamagitan ng kanyang pandama. Ang kawastuhan at katapatan sa pagsulat ay isa rin sa mga naibahagi ng mga bansang ito sa mundo ng panitikan lalo na sa larangan ng pilosopiya at paniniwala. Naniniwala ako na marami pa ang maiaambag ng Aprika at Persia sa mundo sa larangan ng panitikan. Naniniwala rin ako na uunlad ang bansang pinagmulan ng mga Aprikano at sisikat ang kanilang angking galing at diskarte.














3 komento: